^

Metro

Paslit naatrasan ng van, patay

-

Isang 3-anyos na batang lalaki ang nasawi   matapos maatrasan ng isang SUV van na mina­ma­neho ng isang Tsinoy, habang nagtatampisaw ito sa ulan, sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing biktima na si John Rey Ga­la­rita, ng #619 Muelle de Di­vi­sioria, Binondo, May­nila. Mismong ang nakasa­gasa na si Antonio Chua, 22, binata ng Catolico, Lagao, General Santos City ang nagsugod pa dito sa pagamutan subalit hindi na rin umabot nang buhay. Agad namang sumuko sa pulisya ang suspect.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, kama­kalawa nang maganap ang insidente sa panulu­kan ng Tabora at Muelle De Divisoria sa Binondo, Maynila.

Sa imbestigasyon,   ini­a­atras ng suspect ang kan­yang Nissan X-Trail (XPY-253) matapos mang­galing sa Divisoria Mall ay hindi napansin ang maliit na batang nagtatampisaw sa ulan.

Nang may tila kung anong bagay na nabangga ang suspect ay bumama umano ito doon natukla­sang naatrasan niya ang biktima kaya mabilis na dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Inihahanda na ang kasong reckless impru­dence resulting in homi­cide laban sa nasabing Tsinoy.

Posible ring ipatawag   ng pulisya ang mga ma­gulang ng paslit dahil sa pagpapabaya sa biktima. (Ludy Bermudo)

ANTONIO CHUA

BINONDO

DIVISORIA MALL

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with