May 3,000 katao ang sabay-sabay na pipito ngayong umaga sa Quezon City Memorial Circle bilang protesta laban sa patuloy na kriminalidad sa bansa.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary at National Police Commission Chairman Ronaldo Puno na magiging hudyat rin ito ng selebrasyon ng 2008 National Crime Prevention Week.
Inaasahang dadalo rin sa pagtitipon si Quezon City Mayor Feliciano Belmonte at mga opisyales ng Quezon City Hall upang sumama sa mga high school students, out of school youths at mga miyembro ng iba’t ibang non-government organization na pipito.
Sinabi ni Puno na magandang pagkakataon umano ito para itampok ang pagsisikap ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, NGOs at mga kabataan sa kani-kanilang aksyon sa paglaban sa krimen.
Ngayong taon, magtatatag sila ng “student crime prevention network” sa lahat ng pa aralan sa Metro Manila. (Danilo Garcia)