^

Metro

3,000 pipito vs krimen

-

May 3,000 katao ang sabay-sabay na pipito ngayong umaga sa Quezon City Memorial Circle bilang protesta laban sa patuloy na kriminalidad sa bansa.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary at National Police Commission Chairman Ro­naldo Puno na magiging hudyat rin ito ng selebrasyon ng 2008 Na­tional Crime Prevention Week.

Inaasahang dadalo rin sa pagtitipon si Quezon City Mayor Feliciano Belmonte at mga opisyales ng Quezon City Hall upang sumama sa mga high school students, out of school youths at mga miyembro ng iba’t ibang non-government organization na pipito.

 Sinabi ni Puno na magan­dang pagkakataon umano ito para itampok ang pagsisikap ng iba’t ibang ahensya ng pama­halaan, NGOs at mga kabataan sa kani-kanilang aksyon sa pag­laban sa krimen.

Ngayong taon, magtatatag sila ng “student crime preven­tion network” sa lahat ng pa­ ara­lan sa Metro Manila. (Danilo Garcia)

CRIME PREVENTION WEEK

DANILO GARCIA

FONT DEFINITIONS

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with