^

Metro

Manggagantso arestado

-

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng isang 49- anyos na lalaki matapos itong magpakilalang empleyado ng isang kompanya ng tubig na nag-aalok ng serbisyo upang ma-upgrade ang kanilang water meter sa Binondo Maynila.

Kasalukuyang nakapiit sa Manila Police District (MPD)-Station 11 (Binondo) detention cell ang suspek na si Hilario Soriano, na may alyas na “Jaime Mendoza”, “Jimmy Moreno”, “Carlos Santos” at “Ernesto Cuda”, ng Matimyas St., UP Village, Quezon City dahil sa reklamo ni Romeo Gines Lioviceo, ng Binondo, Maynila.

Sa report ni Supt Nelson Yabut, hepe ng MPD-Station 11 (Binondo), dakong ala-1 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa loob ng bahay ng biktima sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jesusa Prado Maninas ng Manila RTC Branch 24.

Nagtungo umano ang sus­pek sa bahay ng biktima at nagpakilalang empleyado ito ng Maynilad at inalok na i-upgrade ang kanilang water meter upang mabawasan ang kanilang konsumo sa tubig sa halagang P4,500.

Subalit nakilala ng biktima na siya rin ang nag-alok at nanloko sa kanya noong May 2007 at upang hindi siya ma­ha­lata ng suspek ay nagkun­wari muna itong kukuha ng pera subalit palihim na tuma­wag ito sa pulisya.

Ilang sandali pa ay duma­ting ang pulisya kasama si Nolan Clemente, Representa­tive ng Maynilad na nagre­sulta sa pagkakaaresto sa suspek. Ang suspek ay may naka­bimbin na kasong estafa, fal­ si­fication of private docu­ments, usurpation of authority at ficti­tious/concealing true name. (Gemma Amargo-Garcia)

BINONDO

BINONDO MAYNILA

CARLOS SANTOS

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with