^

Metro

Mag-ina tugis sa pagnanakaw

-

Magkasamang  nag­laho ang mag-inang ka­tulong nang tangayin ng mga ito  ang pera, alahas at cellphone ng kanilang amo sa Malabon City ka­hapon ng umaga.

Kasalukuyan namang pinaghahanap si Betty Baul at anak nitong si Jilmar, kapwa tubong Negros Oriental at pansa­manta­ lang nanunuluyan sa ka­nilang among si Angelina Cruz, 47, sa Vicencio St., Niugan ng lungsod na ito.

Ayon sa ulat, dakong  alas-6 ng umaga nang  hin­di na nagisnan ng bik­tima ang mga suspek. Nang ha­na­pin ng biktima ang cell­phone ay wala na ito gayun­din ang isang pares ng gintong hikaw at cash na P3,000.  Agad na nag­sadya sa pre­sinto ang bik­tima at ipina­alam ang na­ganap na pag­nanakaw sa kanyang bahay sa na­banggit na lugar. (Lordeth Bonilla)

ANGELINA CRUZ

AYON

BETTY BAUL

LORDETH BONILLA

NEGROS ORIENTAL

SHY

VICENCIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with