^

Metro

Bodyguards ni Villar na nambugbog ng trader, ‘no show’ pa rin

-

Hanggang kahapon  ay hindi pa rin lumulutang sa Makati City Police upang magpaliwanag ang mga bodyguards ni Usec. An­tonio Villar ng Presi­dential Anti-Smuggling Group o PASG hinggil sa umano’y pambubugbog ng mga ito sa isang ne­gosyante sa Makati City.

Sa panayam kay  P/S Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Makati City Police, tanging ang abogado la­mang ng PASG ang nag­pakita kahapon sa kan­yang tanggapan kung saan iginiit umano ng huli na wala pa naman daw sapat na da­hilan para lu­mu­tang sa ngayon ang mga inaakusa­hang nam­bugbog na bodyguards ni Villar.

Paliwanag pa ni Atty. Vergilio Bruno, legal coun­sel ng PASG, wala naman umanong anu­mang kaso na isina­sampa ang negos­yan­teng si Simon Paz na hanggang sa kasaluku­yan ay nasa intensive care unit (ICU) pa rin ng Makati Medical Center sanhi ng pagkaka-comatose nito.

Sa kabila nito, nagbi­gay naman ng katiyakan ang nasabing abogado ng PASG sa pulisya na naka­handa silang maki­pagtu­lungan sa mga huli sa san­daling makum­pleto na ang mga impor­masyon sa kaso. Handa rin umano ang PASG na isuko ang mga isinasang­kot na body­guards ni Usec Villar saka­ling may asunto na ang korte.

Samantala, naka­takda namang makipag-koordi­nas­yon sa Police Safety and Protection Office ng Camp Crame ang Makati City Police upang alamin kung sinu-sino ang mga naka-detail kay Usec . Villar lalo pa at ang mga itinu­turong sangkot sa na­sabing insi­dente ay sina­sabing mga miyembro ng pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANTI-SMUGGLING GROUP

GILBERT CRUZ

MAKATI CITY POLICE

MAKATI MEDICAL CENTER

POLICE SAFETY AND PROTECTION OFFICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with