^

Metro

2 ang warden sa Manila City jail

- Doris Franche-Borja -

Nananawagan ang mga personnels at jail­guards ng Manila City Jail kina Bureau of Jail Ma­nage­ment and Peno­logy (BJMP) Director Ro­sendo Dial at Interior and Local Government Sec­retary Ro­naldo Puno na agad na mag­­labas ng desisyon kung sino kina Supt. Emilio Culang at Supt. Hernan Grande ang lehitimong jail­warden ng nasabing piitan.

Naguguluhan na uma­no ang mga per­sonnel sa naturang city jail dahil sa dalawa ang kanilang warden.

Kasabay nito, nag­banta din ang mga jail per­sonnel na posibleng mag­sagawa sila ng tigil-trabaho bilang protesta kung hindi magpapa­labas ng konkre­tong de­sisyon kung sino ba talaga ang kanilang dapat sundin. 

Bunga nito, posibleng ma­apektuhan ang mga hearing ng mga inmates kung isasagawa ng mga jail personnel at jailguard ang kanilang bantang tigil-trabaho.

Lumilitaw na si Culang ay nag-oopisina sa war­den’s office habang si Grande naman ay nag-oopisina sa conference o session hall.

Dahil dito, nanga­ngam­­ba din ang mga jail per­sonnel na magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng da­lawang opisyal kapwa tu­matayo ngayong war­den ng MCJ.

Hanggang ngayon ay matigas ang paninindi­gan ni Culang na siya pa rin ang jailwarden ng MCJ at tumangging li­sanin ang kanyang puwesto bunsod na rin ng umano’y ilang mali sa SO na ipinalabas ni Dial.

Nakalagay sa SO na ang pagpapatanggal kay Culang ay upang hindi umano maimplu­wensi­ya­­han ang imbestigasyon dito kaugnay ng na­ganap na riot noong Agosto 23.

Subalit   nakasaad din sa SO na inalis si Culang noong Agosto 21, dala­wang araw naman bago maganap ang riot na iki­nasawi ng isang inmate na si Eduardo Mandap na siyang dahilan ng BJMP para palitan ang una.

CULANG

JAIL

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with