^

Metro

Pulis dinemote dahil sa nakaw na halik

- Nina Doris Franche at Ludy Bermudo -

Na-demote o ibinaba ang ranggo ng isang pulis-Maynila matapos nitong pagnakawan ng halik ang isang magan­dang kagawad ng barangay sa Sampaloc, Maynila.

Batay sa  ipinalabas na re­solusyon ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) na may petsang Agosto 15, napa­tu­nayang nagkasala si dating PO2 Luis Gonzales, na ngayon ay isa na lamang Police Officer 1 nang yakapin nito at halikan si Catherine Ann Buco, ka­gawad sa Sam­paloc, Maynila.

Nag-ugat ang kaso nang nagtungo si Buco sa nasabing police station kung saan ina­ayos nito ang paglaya ng kan­yang asawa na unang ina­­resto sa kasong “drinking alco­holic beverages in public places”.

Sa puntong ito umano ni­yakap at pinaghahalikan sa labi at leeg ng suspect ang biktima.

Nagsumbong naman si Buco sa kanyang tiyuhin na isang barangay chairman at nagsampa ng reklamo sa MPD-General assignment Section.

Sa resolusyon, mas binig­yan pabor ng PLEB si Buco ma­tapos na mabigo ang sus­pek na makapagbigay ng ma­tibay na ebidensiya na kaya lamang nagrereklamo ang biktima dahil hindi umano niya (Buco) na­pag­bigyan na iurong ang kaso ng kanyang asawa.

Napatunayan din ng PLEB na hindi rin umano nirespeto ni Gonzales ang korte nang balewalain nito ang mga abiso at summons kung kaya’t ipina­tawag  ito ng PLEB.

BUCO

CATHERINE ANN BUCO

LAW ENFORCEMENT BOARD

LUIS GONZALES

MAYNILA

POLICE OFFICER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with