Nambato ng mga kabahayan, tinodas

Kamatayan ang na­ ging sukli ng pagti-trip ng isang lalaki na mam­bato ng mga kabahayan maka­raang sak­­sakin siya ng isang resi­dente na muntik nang ta­maan ng bato habang natu­tulog ka­hapon ng madaling- araw sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Pedro Macaranas, helper, tubong-Pangasi­nan at na­ni­nirahan sa Ussaffe St., Brgy. Holy Spirit, ng na­tu­rang lung­sod. Nakata­kas naman at pinaghaha­nap nga­yon ang suspek na na­kilala lamang sa alyas na Abet.

Ayon sa ulat, naganap  ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa tapat ng SBI Auto Supply sa Blk. 1 Lot 6 Common­wealth Avenue, Brgy. Holy Spirit. Na­batid sa mga saksi na namba­bato ng mga ka­ba­hayan sa natu­rang lugar ang bikti­mang si Macara­nas ka­sama ang dalawa pang lalaki. Dito umano ti­na­maan ang bahay ng na­tu­tulog na suspek. Galit na lumabas at kinompronta ang biktima. Nauwi ang pag­ta­talo sa sun­tukan hang­gang sa mag­labas ng pa­talim ang suspek at ilang beses na inun­dayan ng sak­sak si Macaranas bago ito ma­bilis na tumakas. Hindi na rin naman maha­gilap ng mga awtoridad ang dalawa pang kasama­han ng bik­tima sa pamba­bato. (Danilo Garcia)

Show comments