^

Metro

Manila City jail warden sinibak

-

Tuluyang sinibak na kahapon sa kanyang tungkulin ang warden ng Manila City Jail makaraan ang naganap na madugong riot  sa pagitan ng dalawang magkalabang gang nitong nakaraang Sabado. Ipinag-utos ni Bureau of Jail Management and Peno­logy chief, Director Ro­sendo Dial ang pagtanggal sa puwesto kay Jail Supt. Emilio Culang Jr. upang big­yang-daan umano ang ma­linis na imbestigasyon sa na­ga­nap na riot. Pansa­man­talang ipinalit sa kanya si dating Pasig City Jail warden Supt. Hernan Grande bilang officer-in-charge (OIC).

Matatandaan na nasawi sa naturang riot si Eduardo Mandap, 28, habang sugatan naman si Joey Saclao, 44, matapos na tamaan ng bala buhat sa kalibre 9mm pistol. Naganap ang riot dahil sa selosan umano sa ba­baeng dalaw ng magkalabang Bahala na Gang at Com­mando Gang. Inamin naman ni Dial na nahihirapan talaga sila sa seguridad ng MCJ dahil sa kakapusan ng tauhan at sobrang dami ng preso na nakaditine rito.  May plano na umano na ilipat ang ilan sa mga bilanggo ngunit hindi pa ito naisasakatuparan.

Inatasan naman ni Dial si Grande na limitahan na ang oras at dami ng dalaw kada araw.  Ipinanukala nito na bigyan ng schedule ang dalaw at gawing bawat selda upang hindi magkaroon ng komosyon sa mga preso. Agad namang nagpatupad si Supt. Grande ng “Oplan Greyhound”  kung saan sinaliksik ang lahat ng selda ng mga bilanggo. Mahigit sa 100 na sumpak, patalim at iba pang armas ang nakumpiska ng BJMP buhat sa mga preso. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DIRECTOR RO

EDUARDO MANDAP

EMILIO CULANG JR.

HERNAN GRANDE

JAIL SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with