^

Metro

Karate sandata ng holdaper

-

Isang karatista ang na­dakip ng pulisya mata­pos mangholdap sa isang pam­pasaherong jeepney sa Ca­ loocan City kama­kalawa. 

Bago tuluyang mada­kip ang suspek na si Ro­dolfo Remiendo, may-asawa, driver ng #3331 San Jose St., Sta Mesa Manila ay nakipagpam­buno pa ito kay PO3 Amor­solo Festejo ng Caloocan City Police dahi­lan upang magtamo ang huli ng sugat sa braso.

Ang biktima na nakila­lang si Joever Malinao, ng #106 Gozon Compound, Malabon City ay nagtamo rin ng pasa sa pisngi ma­tapos na bigyan ng flying kick ng suspek.

Nangyari ang insi­ dente dakong alas-11 ng gabi sa may Dagat-Daga­tan Ave., corner C4 Road, sa lungsod.

Bago nito, sakay ang biktima ng isang pampa­saherong jeepney kasama ang suspek na nagkun­waring pasahero nang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lamang nag­deklara ng holdap ang huli.

Dahil wala namang dalang patalim, nagtaka ang biktima ngunit bago pa ito nakapalag ay umalag­wa agad ang kanang paa ng suspek at tumama sa panga ng una sanhi upang mabuwal ito at mahilo.

Sa puntong ito, mabilis na kinuha ng suspek ang bull cap at pera ng biktima saka mabilis na tumakas. Tiyempo namang napa­patrulya ang tropa ng Spe­cial Weapon and Tactics sa lugar at naispatan ang suspek dahilan upang ha­bu­lin ito at arestuhin.

Nakakulong ngayon ang suspect sa presinto ng Caloocan Police. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

GOZON COMPOUND

JOEVER MALINAO

MALABON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with