Manila Bay Police binuo

Sa layuning malinis ang kalidad ng tubig-dagat, itinatag ng Department of Environment and Natural Re­sources ang  Manila Bay Law Enforcement Team na magsisilbing “Pulis” sa naturang karagatan laban sa polusyon.

Itinalaga ni DENR Secretary Lito Atienza si Assistant Secretary Mark Allan Jay Yambao bilang pinuno ng MBLT na nangako na palalakasin ang partisipasyon ng mga kabataan sa paglilinis sa Manila Bay.  

Inumpisahan ng MBLT katuwang ang mga kabata­ang volunteers sa paglilinis sa baybayin ng Manila Bay malapit sa US Embassy kamakalawa sa kabila ng kakapusan sa pondo ng DENR.

Sinabi ni Atienza na napapanahon na para isailalim sa rehabilitasyon ang tubig ng Manila Bay na pinaka­kritikal dahil sa napapalibutan ng mga “industrial centers” at napakatinding polusyon na naipon na sa mga nagda­ang dekada.

Agad ring inutos ni Atienza ang pagpapasira sa mga iligal na fish pen sa Manila Bay na dumaragdag sa polusyon sa tubig,  humaharang sa daloy ng tubig sa lawa at problema rin ito sa nabigasyon ng mga sasak­yang pandagat. (Danilo Garcia)

Show comments