^

Metro

Pamangkin ni Biazon tinutukan ng baril dahil sa parking

-

Dahil lamang sa pag-uuna­han sa pwesto sa paradahan ng sasakyan, isang negosyante ang nahaharap ngayon sa kasong grave threat matapos tutukan nito ng baril ang pa­mangkin ni Sen. Rodolfo Bia­zon, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Batay sa imbestigasyon, si Ferdinand Satuito, 62,  ay naha­harap sa kasong grave threat matapos sampahan ng kauku­lang reklamo ng pamangkin ni Sen. Biazon na kinilalang si Jose Solano, 31, na isa rin sa staff ng senador. Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang na­sabing insi­dente kamakalawa ng gabi sa parking lot ng South Tower Building, Madrigal Busi­ness Center, Muntinlupa City.

Sa inisyal na imbestigasyon, kapwa naghihintay sina  Solano at Satuito na may mabakan­teng parking space sa naturang lugar hanggang sa umalis ang isang kotseng nakaparada.

Ipaparada na ni Solano ang kanyang kotse sa nabakanteng lugar nang sunud-sunod na busi­nahan at pinailawan ng head­ lights ng suspect ang una. Hindi pa umano nakuntento, bumaba pa ang suspect sa kan­yang kotse at binunot ang ka­libre .45 na baril nito at itinutok sa biktima.

Agad namang humingi ng tulong sa pulis ang biktima at na­kuha sa loob ng kotse ng suspect ang nasabing baril na naglalaman ng anim na bala sa magazine.

Sa kasalukuyan inaalam pa ng awtoridad kung may kauku­lang lisensya at permit ang na­kumpiskang baril sa suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATAY

FERDINAND SATUITO

JOSE SOLANO

MUNTINLUPA

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with