^

Metro

Plakang ‘8’, naibebenta sa halagang P200,000

-

Naibebenta umano ang  privilege protocol plate number 8 sa halagang P200,000.

Ayon kay Land Transpor­tation Office (LTO) Chief Alberto Suansing, ito ay  kanyang nala­man nang ipabusisi niya ang tungkol sa naturang pro­to­col plates na sinasabing naibe­benta sa mga kilalang  personalidad.

Bunsod nito, sinabi ni  Suan­sing na kanya nang pina-iim­bes­tigahan ang katotohanan ng balitang ito upang malaman ang nasa likod ng sinasabing ben­tahan ng naturang protocol plates upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mam­ba­batas.

Una nang nagpaimben­taryo si House Speaker Pros­pero Nograles Jr. ng No. 8 car plates na nakaisyu sa bawat mam­babatas sa mababang kapulu­ngan. Ito ay makaraang ma­sang­kot sa isang aksidente noong linggo ng umaga ang isang Nissan X-Trail (ZAK 158) na may nakakabit na plate #8 na nakapatay ng isang guar­diya at nakasugat ng isa pa.

Ang naturang sasakyan na noon ay minamaneho ng isang Jayson Bautista ay nakarehistro sa isang Sharon Bautista ng   #18 Agusting St. Brgy.  Bungad, San Francisco del Monte QC na sinasabing anak ni Caloocan 1st district Congressman Oscar Malapitan. Una nang sinabi ni Suan­sing ang hangarin niyang ma­lag­yan ng distrito ang bawat na­isyung protocol plates na 8 ng mga Kongresista upang agad malaman kung sino at kanino nakaisyu ito.

Ang bawat mambabatas ay inisyuhan ng 4 na pares na pro­to­col plates na 8 para lamang sa apat na sasakyan na dapat ay sila ang gagamit. (Angie dela Cruz)

AGUSTING ST.

CHIEF ALBERTO SUANSING

CONGRESSMAN OSCAR MALAPITAN

HOUSE SPEAKER PROS

JAYSON BAUTISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with