^

Metro

Driver todas sa ex-police major

-

Dahil  lamang sa pag­tang­ging ibigay ang kan­yang driver’s license dahil sa  simpleng away-trapiko, patay ang isang tricycle driver makaraang pagba­bari­lin ito ng isang dating opis­yal ng pulisya na nga­yon ay hepe ng taga-pa­mayapa ng lungsod, ka­ma­kalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Arcie Calinisan, 26, resi­dente ng 42 Santos Drive, Santos Village, Zapote Las Piñas City sanhi ng tina­mong   isang tama ng bala sa dibdib.

Samantala, ang sus­pect na kinilalang si dating pulis major Rodolfo San Jose at kasalukuyang hepe ng Task Force Ka­ayu­san ng Las Piñas City ay agad na tumakas ma­tapos ang nasabing in­sidente.

Batay sa imbestigas­yon ni PO3 Joel Cambi, may hawak ng kaso, da­kong alas-6 ng gabi nang mangyari ang nasa­bing krimen sa Zapote Junction, Zapote Road, Las Piñas City. Nabatid na unang  nag­­karoon ng ma­initang pag­ta­talo sa pagi­tan ng sus­pect at ng biktima.

Ayon sa ulat, unang hi­nuli ng suspect ang biktima dahil sa isang simpleng traffic violation at nang hingin umano ng una ang lisensiya nito ay tumanggi ang huli na ibigay ito.  Lalo umanong nairita ang sus­pect makaraang makipag­sa­gutan pa sa kanya ang biktima hang­gang sa bu­nutin na ng una ang kan­yang baril at agad na pinaputukan ang huli na tinamaan naman sa dibdib dahilan upang dugu­an itong tu­mim­buwang sa kalsada.  (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ARCIE CALINISAN

JOEL CAMBI

LAS PI

RODOLFO SAN JOSE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with