^

Metro

AFP, PNP umalerto sa MM

- Nina Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro -

Nagdeklara na rin ng red alert status ang pu­wersa ng AFP-National Capital Region (AFP-NCRCOM) sa Metro Ma­nila upang mapigilan ang posibleng paglulun­sad ng mga pag-atake tulad ng pambobomba ng Moro Islamic Libera­tion Front (MILF) rene­gades kaug­nay ng open­siba ng tropa ng militar sa mga apekta­dong lugar sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay AFP-NCR COM Spokesman Capt. Carlo Ferrer  na epektibo alas-6 ng gabi nito pang Lunes ay ipinag-utos na ni AFP-NCRCOM Chief Major Gen. Arsenio Aru­gay ang pagtataas ng kanilang alerto.  Sinabi ni Ferrer na pangunahin na nilang bi­nabantayan ay ang insta­lasyon ng gob­yerno sa Metro Manila na ikino­kon­siderang ‘soft targets’ ng pag-atake ng MILF rene­gades tulad ng pam­bo­bomba.

Sa panig naman ni NCRPO  chief Director Geary Barias, sinabi nito na epektibo alas-8 ka­hapon ng umaga ay iti­naas na nila sa ‘full alert status’ ang buong puwer­sa ng NCRPO.  Kabilang naman sa ma­higpit na binabanta­yan, ayon kay Barias ay ang matataong lugar tulad ng MRT, LRT sta­tions, bus ter­minals, da­ungan, palipa­ran, shop­ping malls, schools, sim­bahan at iba pa.

Nanawagan rin ang opisyal sa taumbayan na maging vigilante sa lahat ng oras at ireport sa mga awtoridad ang mga ka­hina-hinalang indibid­wal na posibleng magsa­gawa ng paghahasik ng kara­hasan sa National Capital Region.

ARSENIO ARU

CARLO FERRER

CHIEF MAJOR GEN

DIRECTOR GEARY BARIAS

METRO MA

MORO ISLAMIC LIBERA

NATIONAL CAPITAL REGION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with