^

Metro

Mister nagbaril sa harap ni misis

- Rose Tamayo-Tesoro -

Naging  madugo at kagim­bal-gimbal ang isinagawang birthday party ng isang misis makaraang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbabaril sa sentido ang kanyang mister sa harapan mismo ng nasabing celebrant  kamaka­lawa ng gabi sa Las Piñas City.

Namatay kahapon ng umaga sa intensive care unit (ICU) ng Perpertual Help Medical Center sanhi ng tama ng bala sa sentido ang bikti­mang si Andres Concepcion, 31, security guard   at resi­dente ng Block 29, Lot 28, Peralta St., Maligaya Park Quezon City.

Sa inisyal na imbestigas­yon ni PO3 Ariel Gupana, ng Criminal Investigation Division (CID) Las Pinas City police, dakong alas-11:30 ng gabi nang mangyari ang nasabing insidente sa Francisco Motors Corporation (FMC) Com­pound, Talon 3, Las Piñas City.

Sa pahayag ng saksi na si Sabrina Santia, 22,   caretaker ng naturang compound, unang inimbitahan siya ng grupo ng biktima sa isang inuman kung saan kaarawan ng kanyang misis na si Armida.

Ayon pa kay Santia, sa umpisa ng naturang inuman ay naging masaya pa ang selebrasyon, subalit nang nasa kalagitnaan na ay bigla na lamang nagkaroon ng ma­initang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng kanyang misis na si Armida hanggang sa lumayo ang dalawa.

Dala marahil ng implu­wensiya ng alak na nainom ng biktima ay bigla na lamang binunot ni Concepcion ang kan­yang service firearm saka nilapitan ang kanyang misis kung saan bago pa nagbaril ito sa ulo ay nagbitiw pa ito ng pagbabanta.

Nagsisigaw na lamang ang ginang nang makitang duguang bumagsak sa lupa ang kanyang mister na agad namang isinugod sa nasabing pagamutan kung saan dakong alas-6:45 ng umaga kahapon ng ideklarang patay ang biktima ni Dr. Paulo Luna.

Batay naman sa pahayag ng malalapit na kaibigan ng biktima, bago ang insidente, nakakitaan na nila ng pagiging malungkutin at pagkabalisa ang biktima noong nakalipas na mga araw at nasasabi na rin nito ang personal na prob­lema sa kanyang pamilya.

ANDRES CONCEPCION

ARIEL GUPANA

ARMIDA

LAS PI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with