^

Metro

Call center supervisor patay sa ‘Ipit taxi gang’

-

Natagpuang patay ang isang babaeng call center supervisor na may tatlong tama ng saksak sa leeg ka­hapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Rue Ann Salvador, 29, super­visor ng Pacific Business Group Limited at naninirahan sa #19 J. Vargas St. Western Bicutan, Taguig.  Bukod sa mga saksak sa leeg, nagtamo rin ng mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Inves­tigation and Detection Unit, na­tagpuan ang bangkay ng bik­ tima dakong alas-5:30 ng umaga ng isang Benjamin Navarres, barangay tanod ng Brgy. Pinyahan sa gitna ng kalsada.

Hinihinalang pagnanakaw ang pangunahing motibo ng pamamaslang dahil sa nawa­wala ang cellphone, pitaka at iba pang gamit nito sa loob ng kanyang bag.

Sa salaysay naman ng kasamahan nito sa trabaho na hindi nagpakilala, huli niyang nakausap dakong alas-12:30 ng madaling-araw ang biktima sa cellphone.  Sinabi nito na nagmamadali ang biktima at nakarinig pa ng boses ng lalaki bago maputol ang linya ng telepono.

Dakong alas-4 na ng ma­daling-araw nang makatang­gap ang kaibigan nito ng text mes­sage buhat sa cellphone ni Salvador na plaka ng sa­sakyan (PGW-523). Matapos ang isang oras, nabalitaan na lamang nila na patay na si Salvador.

Hinihinala ngayon ng pu­lisya na maaaring biktima ng kilabot na “Ipit Taxi Gang”  na nambibiktima sa mga baba­eng mag-isang sumasakay sa taxi sa alanganing oras. (Danilo Garcia)

BENJAMIN NAVARRES

CITY

DANILO GARCIA

DETECTION UNIT

IPIT TAXI GANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with