^

Metro

Nakapatay na kotseng ‘8’, hindi sa kongresista – LTO

-

Kinumpirma kahapon ng Land Transportation Office (LTO) na hindi pagmamay -ari ng isang Kongresista  ang isang sports utility vehicle na nagtataglay ng plakang otso at nasangkot  at nakapatay ng isa sa naganap na  aksidente   sa Quezon City.

Batay sa  record ng LTO, nakapangalan sa isang Sharon Bautista  ng number 18 Agustin St., San Francisco del Monte Avenue, Quezon City  ang nakabanggang  Nissan X-Trail na may plakang  ZAK-158.

Minamaneho ito  ng isang Jayson Bautista  Yap, 21, residente  ng Morning Breeze Subdivision, Caloocan City, nang masangkot sa  aksidente  alas -2 ng madaling araw kahapon sa  northbound lane ng Edsa, malapit sa U-turn slot  sa Brgy.  Bagong Pag-Asa, ng naturang lungsod 

Taglay ng sasakyan ang protocol plate na 8 sa harap ng sasakyan kung kaya’t  inakalang pag-aari ito ng Kongresista.

Patuloy naman ang pagtanggi  sa pulis  ni Yap kung pag-aari ng Kongresista ang minaneho niyang sasakyan. Pero ang nakapagtataka ay kung paano ito nagkaroon ng protocol plate.

Nasawi sa nabanggit na aksidente  ang isang Marbert  Raz, 30 , na ayon sa nasugatan niyang kasamahan na si Romy Rivera  ay isang security guard sa isang establisyimento sa  Cubao.

Sa impormasyon ng pulisya, rumaragasa  ang sasakyan ni Yap nang banggain nito ang dalawang biktima. (Angie dela Cruz)

AGUSTIN ST.

BAGONG PAG-ASA

CALOOCAN CITY

KONGRESISTA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with