^

Metro

Sekyu nakipagpatintero kay kamatayan, dedo

-

Patay ang isang guwardiya habang sugatan naman ang isa niyang kasamahan nang mabangga ng isang humaharurot na sasakyan sa EDSA kanto ng North Avenue, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City-Traffic Sector 6, nakilala ang nasawi na si Marbert Ras, security guard ng Bayantel Corporation habang sugatan naman ang kasamahan nitong si Romy Rivera.

Hawak naman ngayon ng pulisya ang sumukong suspek na si Jason Bautista, 21-an­­yos, may-asawa, sales agent at residente ng 63 Paz St., Morning Ridge, Caloocan City.

Sinabi ni Bautista na, dakong alas-2 ng madaling-araw, malayo pa lang ay nakita na niya ang dalawang biktima na naglalakad sa maling tawiran sa EDSA.

Binusinahan niya ang dalawa ngunit patuloy na nakipagpatintero ang mga biktima hanggang sa hindi na niya maiwasan at tuluyang mabangga.

Nabatid naman na hindi kay Bautista ang minamaneho nitong Nissan Xtrail na may plakang ZAK158.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injuries ang suspek. (Lordeth Bonilla)

BAUTISTA

BAYANTEL CORPORATION

CALOOCAN CITY

JASON BAUTISTA

LORDETH BONILLA

MARBERT RAS

MORNING RIDGE

NISSAN XTRAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with