^

Metro

Jeep vs motorsiklo: 1 dedo

-

Patay ang dating body­guard ni Marikina City Mayor Ma. Lourdes Fernando maka­ra­­ang banggain umano ng isang pampasahe­rong dyip ang minamaneho nitong mo­tor­siklo kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Namatay habang ginaga­mot sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tina­mong pinsala sa ulo at kata­wan ang biktimang si Alfredo Guiterez Jr. 36, residente ng Wallnut St. Brgy. San Roque ng lungsod na ito, dating body­­guard ng nasabing mayor na ngayon ay naka­talaga sa Office of Public Safety and Security ng lung­sod na Marikina.

Arestado naman ang sus­pek na si Evangelino Ayunan, 35, ng Batasan Hills Quezon City, drayber ng nakabang­gang pampasaherong dyip.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:40 ng gabi sa kanto ng Eagle at Fal­con sts. Brgy. Sta. Elena ng na­­sabing lungsod habang nasa kasag­sagan ng malakas na ulan. Nabatid na sakay ng kan­­yang  motorsiklong Honda Wave na may plakang IY-5884 ang biktima ng makasa­lubong at banggain umano ng pam­pa­saherong dyip na mi­nama­neho ng suspek.

Dahil sa lakas ng bangga ay tumilapon ng ilang metro ang biktima mula sa kanyang motor­siklo at una ang ulong bumag­sak sa sementadong kal­ sada. Mabilis pang na­isu­god sa na­sabing paga­mutan ang biktima subalit namatay din ito ilang oras ang lumipas dahil sa matinding pinsalang tinamo. (Edwin Balasa)

ALFREDO GUITEREZ JR.

BATASAN HILLS QUEZON CITY

EDWIN BALASA

EVANGELINO AYUNAN

HONDA WAVE

LOURDES FERNANDO

MARIKINA CITY MAYOR MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with