Patay na sanggol sa kahon,ipinaanod
Isang sanggol na lalaki na inilagay sa isang kahon na nagsilbing kanyang kabaong ang ipinaanod at natagpuang lumulutang sa
Ayon sa ulat ng MPD-Homicide Division, mahirap umanong matukoy kung may mga sugat, pinahirapan o sadyang pinatay ang sanggol dahil naaagnas na ang katawan nito, na tinatayang may 3 araw pa lamang na naipanganak.
Pinasok umano ng tubig ang kahon na pinagsidlan ng bangkay kaya nababad ito sa tubig at naaagnas bago natagpuan ng isang concerned citizen kahapon ng umaga.
Dinala ang bangkay sa Universal Funeral Parlor,habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga magulang ng biktima. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending