Tsinoy tiklo sa mga pekeng ‘Baby Wipes’

Nahaharap  sa dobleng malas ang isang negos­yanteng Tsinoy matapos dumulog sa pulisya ang kanyang minaltratong ta­uhan na  nagbunyag din sa mga pekeng baby wipes na negosyo ng una, na nag­dudulot umano ng pa­nganib sa balat ng mga sanggol, sa Binondo, May­nila, kahapon ng hapon.

Pinipigil na sa Manila Police District-Station 11 ang suspect na si Kenny Chua, 43, ng # 886 P. Alva­rado St., Binondo, Manila.

Sa reklamong idinulog ni Jimmy Suminod, stay-in helper ni Chua, na mada­las siyang saktan ng amo.

Bukod dito, ibinunyag din nito ang mga pekeng baby wipes na may brand na “Baby Tender” na kasa­lukuyang nakakalat at isi­nusuplay ng kanyang amo sa mga kilalang mall.

Sa kasalukuyan, nag­ko-concentrate pa lamang sa kasong paglabag sa pagnenegosyo ng walang business permit ang tinu­tutukan ng mga kinau­ukulan laban sa suspect.

Nabatid kay Suminod na ang nasabing baby wipes ay inilulubog lamang sa isang drum ng maru­ming tubig na may halong pa­bango­. Hindi umano ligtas gamitin ito lalo na sa mga sang­gol na maselan ang balat na nagdudulot ng rashes.

Pansamantalang si­nam­pahan muna ng pag­labag sa Ordinance No. 7794 at Engaging in Busi­ness without Business Permit and Municipal Li­cense ang suspect  na ina­asahang mapapatu­ngan pa ng ibang mas mabigat na kaso. (Ludy Bermudo)

Show comments