^

Metro

LTO pabor alisin ang mandatory drug test sa pagkuha ng lisensiya

-

Pabor ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) na alisin ang mandatory drug test na isang require­ment sa pagkuha ng drivers license sa may mahigit 2 milyong motorista sa bansa.

Gayunman, sinabi ni LTO Chief Alberto Suansing, ang Department of Health (DOH) pa rin ang huling magdedesisyon hinggil dito dahil ang pagsasailalim sa drug test sa mga driver ay pinangangasiwaan ng DOH.

Sinabi pa nito na malaking kabawasan sa gastusin ng mga driver kung aalisin ang drug test. Ang drug test ay umaabot sa halagang P300.00

Mula noong panahon ni dating LTO chief na ngayon ay MRT manager Roberto Lastimoso ay inalis na sa LTO ang pangangasiwa sa drug test at ito ay pinamahalaan na ng DOH.

Ang pahayag naman ay ginawa ni Suansing bilang reaksiyon sa panawagan ni DDB Chairman Tito Sotto na alisin na lamang ang mandatory drug test na isang requirement sa mga driver sa pagkuha ng lisensiya dahil ugat lamang ito ng korapsiyon.

Mas mainam na lamang umano na ipatupad ang random drug test sa mga driver upang maiwasan ang katiwalian at tuloy hindi ito mapapaghandaan ng mga driver para makaiwas o gumawa ng milagro kapag sasa­ilalim sa drug test. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CHAIRMAN TITO SOTTO

CHIEF ALBERTO SUANSING

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

ROBERTO LASTIMOSO

TEST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with