11 ‘tulak’ ng droga arestado ng PDEA

Labing-isa  katao ka­bi­lang na ang babaeng live-in partner umano ng clerk of court ng Quezon City Hall of Justice ang nadakip sa magkahi­wa­lay na ope­ras­yon ng Philippine Drug En­force­ment Agency (PDEA) sa naturang lungsod.

Kinilala ni PDEA-Com­plaint and Reaction Unit chief, Major Val Lopez ang nadakip nilang si Helen Mon­tellana, 32, ng #52 Ma­sikap St., Brgy. Central, ng naturang lungsod.

Nakuha sa poses­ yon nito ang isang plastic sachet na nagla­laman ng hinihinalang shabu at P5,000 na marked money.

Nadakip naman sa ope­rasyon ng PDEA-Metro Manila Regional Office sina Ino Gampong, 35, isang barangay tanod; Husain Bangon, 34; Jaimal Marahim, 34; Jenny Jong Swerte, 35; Marlyn Angac, 37; Er­nesto Fulgencio, 41; Edward Cansi, 23; Nel San­damon, 33; Ryan Haji­lon, 26, pawang mga resi­dente ng Kampo Islam, San Miguel St., Camp Site, Brgy. Payatas A, Quezon City at si Edwin Liwag, 29, ng #108 San Pascual St., Brgy. Commonwealth, ng natu­rang lungsod.

Ayon kay PDEA-MMRO chief, Sr. Supt. Benjamin Magalong, ma­tagal na nilang isinasa­ilalim sa surveillance ope­rations ang naturang lugar dahil sa lantarang pagbe­benta ng mga tulak.  Hindi umano nila ma­pasuk-pasok ang na­turang lugar dahil sa paparating pa lang ang mga operatiba ay may nagpapaputok na ha­bang agad namang pu­mapasok sa Mosque ang mga tulak para makaiwas sa pag-aresto.

Nabatid na nagpang­gap umano ang mga ope­ra­tiba na mga tauhan ng isang delivery van ng appliances habang isang asset ang nagpanggap na buyer.  Hindi na naka­takbo ang mga suspek nang pa­libutan na ng mga opera­tiba ang pi­nag­kukutaan nilang bil­yaran matapos na mag­kabilihan ng iligal na droga. Umaabot naman sa higit P300,000 halaga ng iligal na droga at iba’t  ibang shabu pa­ ra­pher­nalia ang na­kumpiska sa po­sesyon ng mga suspek.

Nakadetine ngayon ang mga suspek sa PDEA detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Compre­hen­sive Dan­ge­rous Drugs Act of 2002. (Danilo Garcia)

Show comments