Buntis binaril sa holdap
Sugatan ang isang 27-anyos na buntis matapos mabaril sa tiyan ng isang holdaper na nagresulta rin sa pagkasawi ng kanyang sanggol sa tiyan, sa Binondo, Maynila, sa ulat kahapon.
Nakilala ang biktima na si Sherly Francisco, negosyante, ng Carmen Planas, Binondo,
Naganap ang insidente dakong ala-1:35 ng hapon, kamakalawa sa loob ng Stall 4 and 5, Ground Floor, Pasillo A, Zosima Bldg., sa may panulukan ng Carmen Planas at
Nabatid na nagkunwaring may bibilhin ang suspect at nang matunugang nag-iisa ang biktima ay naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap. Pwersahan din umanong kinakalas nito ang belt bag ng biktima na nasa beywang nito na may lamang P15-libong benta subalit pumalag ang ginang kaya magkakasunod na pinaputukan ng suspect at tagumpay na natangay ang salapi. Duguang humandusay ang biktima, habang ang suspect ay tumakas sa direksiyon umano ng Sto. Cristo, sa Binondo.
Sa pagsisiyasat, apat na bala ng kalibre .22 na baril ang tumagos sa katawan ng biktima. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending