^

Metro

P157,000 inilipad ng illegal recruiter

-

Nagngingitngit na du­mulog sa himpilan ng pulisya ang isang ginang na nagnanais makapag­trabaho sa ibayong dagat makaraang matangayan ng humigit kumulang sa P157,000 ng isang pe­keng recruitment agency.

Ayon sa reklamo ni Leonor Maningo, 36,  ng #73 Nimbas St., Moon­walk Village, Las Piñas City, noong Nobyembre 2005, nabasa niya sa clas­sified ad ng isang  pahayagan na ang OTA International Pro­mo­tion & Manpower Corpo­ration na nasa #2808 Taft Avenue Ext., Pasay City ay nanganga­ilangan ng residential sup­port worker sa Australia.

Dahil nakasaad sa anunsiyo ang pangakong P70,000 sahod kada-buwan, nakumbinsi ang biktima na mag-aplay sa naturang ahensiya at nakausap ang isang staff personnel na nagpakila­lang Australian national.

Sinabi ng biktima na- inin­terbyu siya ng babae at pinaghahanda siya ng mga requirement at aabi­suhan para sa final interview.

Lumipas ang tatlong buwan, tinawagan si Ma­ningo ng ahensiya para mag-report sa orientation at posibleng deployment at hiningi ang placement fee. Nagsanla pa siya ng mga kagamitan at ibang ari-arian kaya, noong Enero, nagbigay siya ng P120,200 sa isang mar­keting manager for Australia na si Michael Sermino at asawa nitong si Mariel.

Kinabukasan, muling nagbigay ang biktima sa mag-asawa ng halagang P37,500 para sa proseso ng mga dokumento at ipinangakong makapag­tatrabaho siya sa Aus­tralia nito sanang nakara­ang Pebrero 2008.

Naghintay sa wala ang biktima at natuklasan na ang recruitment agency ay naglahong parang bula at nabalitaan na lamang na ang mag-asawang Serminio ay nagtatago sa Biñan, Laguna kaya ka­hapon ay nagtungo na siya sa pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)

INTERNATIONAL PRO

LAS PI

LEONOR MANINGO

MANPOWER CORPO

MICHAEL SERMINO

NIMBAS ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with