^

Metro

Mag-asawa, 1 pa timbog sa mga pekeng pera

-

Dinakma ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mag-asawang hinihinalang gumagawa ng mga pekeng P1,000  at P500  bills nang mabentahan nito ang isang poseur-buyer, sa isinagawang entrapment, sa Quiapo, Maynila, sa ulat kahapon.

Ipinagharap ng mga kasong paglabag sa Revised Penal Code Article 166 (Forging Treasury or Bank Notes)  at Art. 168  (Illegal Possession and/use of False Treasury or Bank notes and Other Instruments) ang mga suspect na sina Rene Jacobo, 44; asawa nitong si Veronica, 34, kapwa ng Sta. Cruz, Manila at isang Paulo del Rosario, 34

Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon   nang arestuhin ang tatlo sa Quezon Blvd., Quiapo, Maynila, ito’y matapos na makatanggap ng report ang pulisya tungkol sa iligal na aktibidades ng mag-asawa kaya isinailalim ang mga ito sa surveillance operation. Matapos matiyak ay inihanda ang entrap­ment operation kung saan nahuli ang mga ito na nagbebenta ng mga pekeng pera. (Ludy Bermudo)

BANK NOTES

FALSE TREASURY

FORGING TREASURY

ILLEGAL POSSESSION

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with