^

Metro

Chinese trader kinidnap sa Valenzuela

- Nina Ricky Tulipat At Lordeth Bonilla -

Dinukot ng apat na arma­dong kalalakihan na nakasuot ng uniporme ng Special Weapon and Tactics ng Phi­lippine National Police (SWAT-PNP) ang isang ne­gosyanteng In­tsik habang ang una ay  papa­uwi na sa kanyang bahay sa lungsod ng Valenzuela, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Danilo Bugay, hepe ng Station Investigation and Detective Management Bureau (SIDMB) ng Valenzuela police, patuloy ang follow up operations na isinasagawa upang matukoy ang kinalalagyan ng bikti­mang si Wilbert Kuo, 36, may-asawa, anak ng may-ari ng Evergreen Textile Mills na ma­tatagpuan sa Sitio, Basalao, Bagbaguin sa lungsod.

Sa kasalukuyan, ayon kay Bugay, nahihirapan silang matukoy ang kinalalagyan ng biktima dahil maging ang mga kaanak nito ay hindi nakipag-cooperate sa kanila. Wala rin umano silang impormasyon kung nakakatanggap na ng tawag ang mga kaanak mula sa mga kidnaper kung kaya blangko pa rin sila sa anu­mang impormasyon kaugnay dito.

Ayon sa ulat ni SPO1 Armando de Lima, imbesti­gador sa kaso, alas -6 ng gabi nang maganap ang pagdukot sa may panulukan ng A. Mariano St., Bagbaguin sa lungsod.

Sinasabing nagawang madukot ang biktima nang magkunwari ang mga suspek na kagawad ng pulisya kung saan nakauniporme ang mga ito ng itim na long sleeves na may tatak ng SWAT sa harap at PNP naman sa likod at nag­mamando ng trapiko sa lugar.

Lulan kahapon ang bik­tima sakay ng kanyang itim na KIA Carnival (ZNR-982) sa lugar ay agad na pinahinto ito ng mga suspek, saka inata­sang buksan ng una ang pintuan ng kan­yang kotse.

Nang mabuksan ay ma­bilis na sumakay ang mga suspek kung saan isa sa mga ito ang nang-agaw sa mani­belang hawak ng biktima, saka ito tuluyang pinaandar.

Subalit dahil hindi alam kung papaano paandarin ang sasakyan ng biktima ay hindi ito gumana kung kaya agad na nagdesisyon ang mga suspek na lumipat na lamang sa dala nilang sasakyang isang Mitsubishi na kulay dirty white (PNN-173) kasama ang biktima na nakaposas na at mabilis na pinaharurot ito pa­tungong Gen. Luis St., sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan, patuloy ang kanilang pangangalap ng testigo na tutukoy sa pagka­ka­kilanlan ng mga suspek na pi­naniniwalaang malaking sin­dikato ng kidnap for ransom.

AYON

BAGBAGUIN

CHIEF INSP

DANILO BUGAY

EVERGREEN TEXTILE MILLS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with