^

Metro

PNP umalerto sa spill over sa MM ng gulo sa Mindanao

-

Inalerto kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang puwersa nito sa  posibleng “spill over” o paglaganap ng gulo sa Metro Manila at ilang pang urban centers sa bansa bunga ng kasalukuyang tensiyon sa standoff ng security forces at ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF)  sa rehiyon ng Mindanao. Sa lingguhang Talakayan sa Isyung Pampulis (TSIP) sa Camp Crame, sinabi ni PNP Directorate for Operations Director Silverio Alarcio, bunsod nito ay isinailalim sa “full alert status” o pinaka­mataas na alerto ang buong puwersa ng pulisya sa bansa kabilang ang National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay Alarcio hindi niya inaalis ang posibilidad na umabot sa Metro Manila ang sitwasyon at iba pang mga urban centers tulad ng mga lungsod ng Davao at Cebu. Aniya karaniwan ng target ng mga teroristang aktibidades ay ang mga urban centers.

Ayon kay Alarcio, bagama’t nakatutok sila sa mga pangyayari sa Mindanao, dapat din naman anyang maging handa sila sa anu­mang posibleng mangyari dulot ng tensiyon sa nabanggit na rehiyon. Tinukoy ni Alarcio ang ginawang pananakop ng MILF rebels sa ilang  mga barangay sa limang bayan ng North Cotabato at ang napipintong pagdaraos ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa darating na Agosto 11. (Joy Cantos)

ALARCIO

AUTONOMOUS REGION

AYON

CAMP CRAME

ISYUNG PAMPULIS

JOY CANTOS

METRO MANILA

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with