19-anyos binoga ng pulis
Isang 19-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kalagayan nang barilin ng kapitbahay niyang parak matapos ang mainitang pagtatalo, kamakalawa ng gabi sa
Nanatiling comatose sa Ospital ng Maynila at binigyan lamang ng 50-50 tsansang mabuhay ng mga doktor ang biktimang si Billy Lozado, ng San Juan St., Pasay City matapos magtamo ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 sa dibdib na tumagos sa kanyang likuran. Sumuko naman sa Pasay City Police ang suspek na si PO3 Luis Jomok III, 41, nakatalaga sa Rizal Provincial Office, Hilltop, Taytay Rizal at naninirahan din sa San Juan St., sa naturang lungsod.
Base sa report, nahuli umano ni Jomok ang kapitbahay na humihitit ng marijuana kaya’t sinita niya ito dakong alas-11 ng gabi kamakalawa. Dahil magkapitbahay, hindi umano iginalang ng biktima si Jomok at pabalang pang sinabi na addict din naman ang pulis. Dito umano nagalit si Jomok kaya’t binunot kaagad ang dalang kalibre .45 at pinaputukan ang nagtatakbong biktima kung saan tinamaan pa ng bala ang side mirror at pintuan nang nakaparadang kotse ni Ferlyhn Francisco, 23, na residente rin sa naturang lugar.
Hinabol umano ng pulis si Lozada habang pinapuputukan ng baril hanggang sa makarating sa tapat ng bahay ng biktima at doon na duguang nahandusay. Sa halip namang tulungan at dalhin sa pagamutan, umalis umano ang pulis at nang sumuko sa pulisya ay wala na itong dalang baril. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending