^

Metro

Bala para sa ama, sinalo ng anak

- Rose Tamayo-Tesoro -

Namatay  noon din ang isang 20-anyos na estud­ yante makaraang resbakan ito at pagbabarilin ng tatlong mag­ka­kamag-anak na hini­hina­lang drug addict ma­ tapos pag­bintangan ng mga huli na “asset” ng pulis ang ama ng una, kamakalawa sa Pasay City.

Mga tama ng bala sa ulo at tiyan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Jun Martin Lim, 20, ng 704-A Apelo Cruz St., ng nabanggit na lungsod.

Kritikal naman ang kapit­bahay ng nasawi na si Noli Cuario, 30, empleyado, ng ACX Transport Inc. nang ta­maan ito ng ligaw na bala kung saan nilalapatan ito nga­yon ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH).

Samantala, agad namang tumakas matapos ang insi­dente ng pamamaril ang magkakamag-anak na sus­pect na sina Michael Mijos, nakatatandang kapatid na si Marlon at tiyuhing si Max Mijos.

Sa isinagawang imbesti­gasyon ng Pasay Police, dakong alas-4 ng hapon nang mangyari ang nasabing in­sidente sa harapan ng Island Gas na matatagpuan sa Malibay, Pasay City.

Bago ang insidente ay una umanong kinompronta ni Michael ang ama ng biktima na kinilalang si Julian Lim, 47, negosyante, habang naka­alalay ang nakatatandang kapatid na si Marlon at tiyu­hing si Max kung saan inaku­sahan ng mga ito na “asset” ng pulis ang matandang Lim na siyang nagpapahuli sa mga adik sa kanilang lugar.

Sa gitna ng mainitang komprontasyon, binunot ni Michael ang dalang kalibre .45 at binaril ang ama ng biktima pero masuwerteng hindi tinamaan.

Sa puntong ito, agad na lumabas ng bahay ang bik­tima nang marinig ang putok ng baril at dito siya naman ang pinagbalingang barilin ng mga suspect na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay, habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Cuario.

A APELO CRUZ ST.

CITY GENERAL HOSPITAL

ISLAND GAS

JULIAN LIM

PASAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with