^

Metro

Operasyon ng LRT, itinigil

-

Libu-libong mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT)   ang na-stranded matapos ipahinto ng pamunuan nito ang mga biyahe ng kanilang tren mula sa Sta. Cruz hang­gang sa Monumento dahil sa makapal na usok sanhi ng pagkasunog ng isang gusali sa Carriedo Station kahapon ng umaga.

Sa nakalap na impormasyon, pinahinto ng pamu­nuan ng LRT ang mga biyahe ng kanilang tren dahil halos hindi na makita ang riles dahil sa kapal ng usok nang masunog ang Good Earth Plaza sa Carriedo Station. Dahil dito, libu-libong mga pasahero ng LRT ang na-stranded at karamihan pa sa mga ito ay nahuli sa ka­nilang pagpasok sa trabaho at eskuwela dahil sa hirap ng pagkuha ng masasakyang jeep at taxi.

Naging masikip din ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension sa Caloocan City dahil sa dami ng mga pasaherong naghihintay sa muling pagpa­numbalik ng operasyon ng LRT.

Naging alerto naman ang mga tauhan ng Caloocan City Police sa posibleng pananamantala ng mga hol­daper at snatcher sa Monumento area ang pagdagsa ng tao sa hagdanan ng Monumento Station ng LRT.  Habang sinusulat naman ang balitang ito ay hindi pa rin nanumbalik sa normal ang biyahe ng LRT, habang patuloy namang naghihintay ang mga pasahero sa pa­anan ng Monumento Station. (Rose Tamayo-Tesoro)

CALOOCAN CITY POLICE

CARRIEDO STATION

GOOD EARTH PLAZA

LIGHT RAIL TRANSIT

MONUMENTO

MONUMENTO STATION

RIZAL AVENUE EXTENSION

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with