^

Metro

Batang lansangan, gagawing ‘Kiddie Cops’

- Danilo Garcia -

Sa halip na mamali­mos o manghingi ng pag­kain, balak ngayon ng Que­zon City Police Dis­trict (QCPD) na gawing “kiddie cops” ang mga batang kalsada upang maging tagasum­bong ng mga kahina-hina­lang in­di­bidwal para maba­wa­san ang krimen sa lungsod.

Nakatakdang umpi­sa­han ang programa nga­­­yong darating na Sabado kung saan 20-25 batang kalye na may edad 10-15-anyos ang da­dalhin nila para sa se­minar sa Camp Karingal upang turuan ang mga ito na tumukoy ng mga ka­hina-hinalang sus­pek at kung paano ang sistema ng pagsu­suplong nila sa awtoridad.

Nabuo ang konsepto na ito ni QCPD-Station 10 Supt. Aspirino Cabula ma­tapos na mapansin nito ang dumaraming bi­lang ng mga batang kalye na na­ma­malimos sa Timog, Tomas Morato at Quezon Avenue. 

Sinabi nito na ide-deploy ang mga “kiddie cops” sa mga lugar na sakop ng Station 10 at aaktong nor­ mal lang ang sitwasyon habang nag­ma­manman at palihim na magbibigay ng impor­mas­yon sa mga pulis ukol sa kahina-hinalang in­di­bidwal para maba­wa­san ang in­sidente ng hol­dap, robbery, at snatching.

Sa isyu ng seguridad ng mga bata laban sa mga sindikato ng krimen, sinabi ni Cabula sa PSN na naka­katiyak siya na hindi mang­yayari iyon dahil sa palagi umanong may naka-deploy na mo­bile patrol sa mga lugar na pagtatala­gahan nila ng mga “kiddie cops”. 

Dahil sa programa, ma­li­limitahan umano ang lugar na pagkikilusan ng mga kriminal dahil sa alam nilang minamat­yagan sila. Hindi rin ininda ni Ca­bula ang posibleng pag­reklamo ng Commission on Human Rights (CHR) dahil sa pag­gamit sa mga bata sa pag­laban sa krimen.

“Anong gusto nila, for­ever na lang maging eye­sore at manghingi ng pag­kain ang mga bata.  Ang mas maganda, I am hit­ting two birds in one stone kung saan tatang­galin natin ang eyesore, paga­gandahin ang mga lugar  at maga­ga­mit ang mga bata sa peace and order cam­paign. I’m just being practical,” ayon kay Cabula.

ASPIRINO CABULA

CABULA

CITY POLICE DIS

HUMAN RIGHTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with