Dalawang snatcher ng cellphone ang nadakip ng mga awtoridad sa Caloocan City kamakalawa.
Kinilala ang mga suspek na sina Dennis Fernando, 31, binata, at George Brozo, 30, binata, kapwa residente ng Donato St., Brgy. 162, Sta. Quiteria sa lungsod.
Nasakote ang dalawa matapos biktimahin ang isang Jimmy Cuevas, 25, binata, ng #25 Benito St., C-3 Rd., sa lungsod. Bago naaresto ang mga suspek, puwersahang inagaw ang Nokia cellphone N-95 ng biktima na nagkakahalaga ng P30,000 saka mabilis na nagsipagtakas. (Ricky Tulipat)