PETA grinanada!

Pinasabugan ng isang granada ng isang hindi pa naki­kilalang lalaki ang harap ng Philippine Educational Theater Association sa Que­zon City kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-4 ng madaling-araw nang ma­ganap ang pagsa­bog sa gusali ng PETA sa may Sunny Drive, Brgy. Kristong Hari, ng naturang lungsod.

Sa  imbestigasyon, isang MK-2 fragmentation grenade ang sumabog na nagresulta sa pagkawasak ng semento sa lobby at parking area ng gusali.

Ayon sa mga saksi, isang hindi nakilalang lalaki ang nakitang tumatakbo papalayo sa teatro na na­sundan ng ma­lakas na pagsabog. Walang na­iulat na nasaktan sa insidente.

Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng QCPD-Explosive and Ord­nance Unit na agad nagsa­lik­sik sa buong gusali sa po­sib­leng nakatanim pang bomba pero wala nang nakitang iba.

Patuloy pa rin naman nga­yon ang pulisya sa ka­nilang malalimang imbesti­gasyon upang mabatid ang motibo at mga nasa likod ng naturang pagpapa­sabog.

Show comments