^

Metro

20 kabataan nasagip sa Casa

-

May 20 menor-de-edad na kabataang  biktima ng human trafficking syndicate ang na­sagip habang naaresto naman ang mga miyembro ng sindikato sa pagsalakay ng pwersa ng pulisya, Office of the Vice President, at Anti-Trans­national Crime Division-Criminal Investigation and Detection Group ang “casa” na pinagdalhan sa mga bik­tima kamakalawa ng mada­ling-araw sa Barangay Mahar­lika, Taguig City.

Batay sa ulat kahapon ng Taguig Public Information Of­fice, ang mga biktima ay pawang mula sa Mindanao at may mga edad na 12 anyos.

Nasagip sila nang salaka­yin ng mga awtoridad ang isang “casa” sa Block 4, Old Housing, No. 69 Pendatun St. sa Barangay Maharlika.

Isang miyembro ng sindi­kato na kinilalang si Nasser T. Dani, 27, liaison officer ng Maynor International Man­power Services at residente ng Brgy. Maharlika, Taguig City ang naunang nadakip.

Kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 naman ang isinampa laban kay Dani at mga kasa­mahan nito na sina Noria Ta­lumpa, owner/manager; Whe­mie Albarasin, secretary; Maila Laguilay, co-owner ng Maynor sa 1360 Leon Guinto St., Er­mita, Manila; mga re­cruiter na sina Laga Lipolles, alias Sonny, alias Wahida, alias Auntie Hajar at alias Ate Ay, habang pinaghahanap pa ang iba pang mga miyembro ng sin­ dikato. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ATE AY

AUNTIE HAJAR

BARANGAY MAHAR

BARANGAY MAHARLIKA

CRIME DIVISION-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MSORMAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with