^

Metro

2 illegal recruiter tiklo ng NBI

-

Dalawang empleyado ng isang travel agency ang ina­resto ng mga ahente ng Na­tional Bureau of Investi­gation (NBI) sa isinagawang entrap­ment operation kama­kalawa sa Caloocan City.

Kinilala ang mga inaresto na sina Raymundo Miranda, alyas Leo Bendo Murillo at Lina Donato, kapwa emple­yado ng Golden Hun Travel Agency na matatagpuan sa Camarin, Caloocan City.

Ang dalawa ay sinampa­han ng kasong estafa  at pag­labag sa Republic Act 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995 sa Caloocan City Prosecutors Office.

Ayon kay Marianito Pa­nga­niban, hepe ng NBI Anti-Organized Crime Division, ang mga suspek ay nagre-recruit patungong Hong Kong bilang mga trabahador sa isang hotel kung saan pina­nga­kuan umano ang mga biktima na may suweldong P25,000 subalit kailangan silang magbayad ng place­ment fees na P20,000 hang­gang P25,000.

Pinangakuan din umano ng mga suspek ang kanilang mga biktima na aalis sa bansa sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan su­balit hindi ito natupad at na­bigo rin ang mga ito na ma­ibalik ang pera ng kanilang mga biktima  kaya’t napilitan ang mga ito na magreklamo sa NBI.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang panghihingi ng mga suspek ng karagdagang P5,000 sa mga complainants kaya’t nagsagawa na ng en­trapment operation ang NBI  at  naaresto ang mga ito ha­bang nasa aktong inaabot ang marked money mula sa mga biktima. (Gemma Amargo-Garcia)

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

BUREAU OF INVESTI

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY PROSECUTORS OFFICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

GOLDEN HUN TRAVEL AGENCY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with