Kalapati ibabawal ni Bayani

Dahil  sa nakakadag­dag ng dumi sa kapaligi­ran, gigibain at ipinagba­bawal ni Metropolitan Ma­nila Development Autho­ rity (MMDA) Chair­man Bayani Fernando ang paglalagay ng kulu­ngan ng mga kalapati sa mga bubungan ng mga bahay sa buong Metro Manila.

Nabatid kay Fer­nando na hindi lamang ang dumi ng kalapati na nakaka­perwisyo sa iba pang bubungan kundi maging sa mga lansa­ngan din ay dumudumi dulot ng pag-aalaga ng mga kalapati. Posible ring maghatid ito ng pa­nganib sa kalusu­gan, lalo na sa mga may hika o allergy.

Pinayuhan ni Fer­nan­do ang mga pigeon lovers na ikulong sa ma­laking hawla sa loob ng bakuran ang kanilang mga kala­pati upang hindi ito maka­perwisyo sa ka­nilang kapitbahay o iwa­san na lamang mag-alaga kung walang sapat na lugar dahil perwisyo ito sa iba.

Ipinaliwanag ng MMDA chief na isa lamang ito sa mga isinusulong nilang kampanya sa progra­mang pangkalinisan at kaayusan ang pagbaba­wal sa pag-aalaga ng ka­la­pati sa mga bubungan, bukod pa rito ang pagba­bawal sa paglalaba at pa­li­ligo sa mga lansangan.

Sinabi ni Fernando na nagsisimula ang kaunla­ran ng isang lungsod o bayan sa pagkakaroon ng tamang disiplina at kalinisan ng pamayanan na magiging panuntunan ng kani-kanilang magi­ging anak at apo.

Show comments