Barangay chairman kritikal sa holdap

Malubhang nasu­gatan ang isang kapitan ng ba­rangay makaraang barilin ng isa sa limang holdaper na nagtang­kang tangayin ang kan­yang bag kamaka­lawa ng gabi sa Novali­ches, Quezon City. Inoob­ser­­ba­han nga­yon sa Nova­li­ches Gene­ral Hospital ang bikti­mang nakilalang si Ernesto Tanigue, chair­man ng Brgy. Gulod, No­vali­ches, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat, pa­sado alas-9 ng gabi nang maganap ang pa­ma­maril sa tapat ng bahay ng bik­tima sa Good Haven Subd., sa naturang barangay.

Nabatid na kauuwi pa lamang ni Tanigue buhat sa sanglaan na pag-aari ng kanyang asawa nang su­mulpot ang limang suspek at tutukan ito ma­ging ang driver at kan­yang body­guard ng baril. Pilit uma­nong ina­gaw ng isa sa mga sus­pek ang dalang bag ng chairman na nagla­laman ng mga sinanglang cell­phone, alahas at P50,000 cash ngunit pu­malag ito.  Dito na binaril ng suspek ang biktima sa katawan bago nagsitakas ang mga salarin sakay ng mga mo­torsiklo. Puspu­san naman nga­yon ang isina­saga­wang follow-up ope­ra­tions ng pu­lisya upang madakip ang mga sus­pek kung saan tatlo sa mga ito ay nakilala ang mukha ng mga saksi. (Danilo Garcia)

Show comments