^

Metro

P65 M kontrabando nasabat ng BoC

-

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang mahigit sa P65 milyon halaga ng iba’t ibang produktong agrikul­tura mula sa mga bansang China at Hongkong. Sinabi ni Customs Commis­sioner Napo­leon Morales, umaabot sa 56 con­tainers ang kanilang nasabat kung saan 25 dito ay idineklara bilang mga food ingredients at harina subalit nadis­kubre na ang laman nito ay 23,000 mga bag ng unfortified flour at nakapangalan sa Kaye International Trading.

Nilinaw ni Morales na bukod sa pag­­ labag sa mandatory food fortifi­cation sec­tion ng RA 8976 o mas kilala sa Philip­pine Food Fortification Act of 2000, hindi rin umano naka­rehistro bilang importer ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) simula noong Disyem­bre 19, 2000.

Idi­nagdag pa nito na kapag na­ibenta ang nasabing mga harina sa merkado ay maaari itong kumita ng ma­higit sa P18 million at madadaya ang mga mami­mili dahil hindi naman un­fortified ang mga harina. Nabatid na ang nasabing mga harina ay i-auction sa BFAD-Accredited flour pro­cessors na siyang maglalagay sa harina ng vitamin A at iron bago nila ito ibenta sa merkado.

Samantala, tatlo pang containers ng mansanas at tatlo ring containers ng bawang mula sa China na tinatayang uma­abot sa P14.7 milyon ang nasabat matapos na mabigo ang mga ito na mag­pakita ng permit mula sa Bureau of Plant Industry na nakapangalan naman sa Rubills International Inc.

Apat na containers din ng sibuyas na nagkakahalaga ng P10.24 milyon mula sa Hongkong ang nasabat ng BI dahilan sa misdeclaration at pagka­bigong makapag presinta ng import permit. Nakapangalan ang kargamento sa Futek Enterprises.

Nasabat din na smuggled goods ang may 19 containers ng Chinese lumber at Chinese cedar na nagkakahalaga ng P19 milyon na nakapangalan sa Wokong Singa­pore Pte Ltd. Subalit pina­bu­laanan naman nito na kanya ang naturang kargamento.

Ibinunyag naman ni Morales na modus operandi ng smuggling opera­tors ang paggamit ng mga pangalan ng mga lehiti­mong importers sa kanilang manipesto karaniwan dito ang PEZA locators upang madala dito ang karga­mento at hindi makapagbayad ng buwis. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF PLANT INDUSTRY

CUSTOMS COMMIS

FOOD FORTIFICATION ACT

FUTEK ENTERPRISES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with