^

Metro

1 holdaper dedo sa pulis

-

Patay ang isa sa tat­long holdaper ng pampa­saherong jeep matapos na mabaril ng isang pulis na kasamang hinoldap sa jeep kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Sam­paloc ang suspect na si Bernard  Alain Malolos, 40,  ng Algeciras St., Sampa­loc, Manila bunga ng tina­mong tama ng bala ng baril  kay  PO3 Redentor Espi­nosa, 48, nakatalaga sa Police Security Protection Group (PPSG) sa Camp Crame, Quezon City.

Arestado naman ang isa pang kasamahan ng nasawi na nakilalang si Roberto Cruz, 42, ng  Sam­­paloc, Manila habang nakatakas ang isa pa.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-5 ng umaga nang maganap ang insi­dente sa panulukan ng Es­paña at M. dela Fuente Sts., Sampaloc. Sinabi ng biktimang si Diana Ras, 26, may-asawa, service at­tendant sa Manila Pavillion Hotel, sumakay umano sa ka­nilang sinasakyang jeep ang isa sa tatlong suspek pagsapit sa M. dela Fuente St., at di pa  nakalalayo ay sumakay din si Malolos at si Cruz na puwesto sa pintuan upang  sumabit.

Sinabihan pa umano ang dalawang suspect  na pumasok dahil maluwag pa ang jeep subalit suma­got ang mga ito na  “huwag kayong mag-alala, mang­hoholdap lang kami”  ka­sunod ng pagbunot ng pa­talim at kinuha ang bag ni Ras. Mabilis na nagba­baan ang tatlo kaya’t sinundan ito ng nakasibilyang si PO3 Espinosa na nagpakilalang pulis subalit inundayan umano ng saksak kaya nabaril niya si Malolos.

Nang tumakbo ang da­lawa pa ay si Cruz na lamang ang naabutan upang arestuhin. Nareko­ber ang bag ng biktimang si Ras . (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALAIN MALOLOS

ALGECIRAS ST.

CAMP CRAME

CRUZ

DIANA RAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with