13 nakaw na sasakyan nabawi ng QCPD sa Cebu
Nabawi ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at PNP-Region 7 Intelligence Division ang 13 mga hinihinalang sasakyan na tinangay sa Metro Manila at ibiniyahe sa Cebu City sa isang operasyon kamakalawa ng gabi.
Naaresto sa naturang operasyon ang nag-iisang suspek na nakilalang si Joseph Burt Canete, ng Compound 888, Riveridge Subd., Brgy.
Inihahanda naman ng Police Regional Office 7 ang “macro-etching” at iba pang beripikasyon bago ibiyahe pabalik sa Metro Manila ang mga nakumpiskang dalawang Hyundai Starex van, isang Mitsubishi Lancer, isang Nissan Sentra, isang Mitsubishi Adventure, isang Nissan Urvan, isang Toyota Revo, isang Isuzu Crosswind, isang Mitsubishi L300 van, isang Toyota Hi-Ace van, isang Toyota Fortuner, isang Isuzu Hilander at isang Mitsubishi Delica.
Sa inisyal na ulat, sinalakay ng QCPD Anti-Carnapping Unit sa pamumuno ni Insp. Angelo Nicolas at PNP Region 7 ang naturang compound sa bisa ng search warrant na inilabas ni QC Regional Trial Court branch 104 Judge Thelma Ponferrada.
Mismong si Quezon City Mayor Feliciano Belmonte pa ang nagbigay ng pamasahe at panggastos sa mga operatiba ng QCPD para sa naturang operasyon na buo ang suporta sa pulisya upang matigil ang talamak na nakawan ng sasakyan sa lungsod.
Napag-alaman na unang iniulat ng isang civilian asset ang pagsasakay sa barko ng hinihinalang nakaw na Starex van patungo sa
Nagsasagawa na rin ng berepikasyon ang mga operatiba sa Land Transportation Office (LTO) upang makilala ang mga tunay na may-ari ng naturang mga nakumpiskang sasakyan. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending