^

Metro

Hepe ng Parañaque Police namumurong masibak sa ‘motel cop’

-

Namumurong masi­bak na rin sa kanyang pwesto si Parañaque City Police chief, Supt. Ronald Estilles bunga umano ng kapaba­yaan nito sa kan­yang tung­kulin hinggil sa pag-aban­dona ng kan­yang tauhan sa kanilang patrol car sa loob ng isang motel, kama­kalawa ng madaling-araw sa Pasay City.

Ito ay matapos kum­pir­­mahin kahapon ni Na­tional Capital Region Office (NCRPO) chief Director Geary Barias na hindi “ligtas” sa panana­gutan si Estilles sa na­sabing in­sidente.

Ayon kay Barias, pa­rang nakahanap na rin ng “butas” para tuluyan ng ma­sipa sa kanyang pwesto si Estilles na may mahigit sa limang taon na niyang pwesto na ma­ iku­konsidera umanong “over­­staying” na.

Bukod pa rito ay hindi umano angkop sa ranggo ni Estilles ang kanyang pwesto dahil kinakaila­ngang Senior Supt. o ka­tum­bas ng full pledge colonel umano ang dapat na umupo bilang hepe ng pulisya sa anumang lung­sod ng bansa. 

Mas lalo pa umanong nalagay sa balag ng ala­nganin ang pwesto ni Estilles makaraang ma­pa­­ba­yaan nito ang kan­yang tauhan na si PO3 Jose Salazar na i-aban­dona ang kanilang patrol car ng ilang oras sa loob ng isang motel kama­kalawa ng pasado alas-3 ng madaling-araw sa Pasay City at magliwa­liw naman ang huli kasama ang tatlo pang pulis sa Miss Uni­versal Night Club & KTV Bar sa na­banggit na lungsod. (Rose Tamayo-Tesoro)

CAPITAL REGION OFFICE

CITY POLICE

DIRECTOR GEARY BARIAS

ESTILLES

JOSE SALAZAR

MISS UNI

NIGHT CLUB

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with