Mag-utol nakuryente: 1 patay, 1 kritikal
Patay ang isang 9-anyos na batang lalaki, habang kritikal naman ang kalagayan ng kanyang nakababatang kapatid makaraang mapuluputan ng isang live wire sa Port Area,
Patay na nang idating sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Bryan Rivera sanhi ng tinamong 3rd degree burn sa katawan, habang nilalapatan naman ng lunas sa nabanggit na ospital ang kanyang kapatid na si Rafael, 8.
Sa ulat ni Det. Erwin Castro ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang ala-1 ng hapon, noong Linggo Hulyo 27 nang maganap ang insidente sa Tacoma St., Gate 7, South Harbor, Port Area, Manila.
Unang nakita ang magkapatid na naglalaro kasama ang iba pang kaibigan hanggang sa mapadako ang paglalaro sa bodega ng
Bigla na lamang nagsigawan ang mga bata nang makita ang magkapatid na nangingisay nang mapuluputan umano ng linya ng kuryente.
Mabilis namang isinugod ng kanilang ama na si Jovani Rivera ang magkapatid subalit hindi na nagawang maisalba ang buhay ni Bryan.
Masusi ring iimbestigahan ng MPD ang nasabing establisimento o may-ari ng
- Latest
- Trending