Mister pinatay sa gulpi
Isang mister ang pinatay sa gulpi ng kanyang mga pinsan matapos mag-angkinan ng tumamang baraha sa sakla kamakalawa ng gabi sa
Patay na nang maipasok sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Fernando Tongco, 42, ng 326 Miranda Compound, Malinta sa naturang lunsod.
Pinaghahanap naman ng Valenzuela City Police ang mga suspek na sina Bernard David; Bong at Bimbo Tongco, pawang nasa mga wastong gulang at residente ng Malinta.
Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa may San Isidro Chapel, na matatagpuan sa Gov. Santiago St., Malinta kung saan mayroong sugal na sakla dahil may pinaglalamayang patay.
Kapwa nag-angkinan ang biktima at si Bimbo sa tumamang baraha kung saan nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa pagtulungang bugbugin ng mga suspek ang biktima. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending