^

Metro

Scaffolding kumalas, 2 obrero hulog mula 8th floor

- Edwin Balasa -

Patay ang isang cons­truction worker habang nasa malubhang kalagayan ang kasama nito makaraang ma­hulog sila sa mula ika-8 pala­pag ng ginagawang Marikina Sports Park matapos kumalas ang tinutuntungang scaffold­ing kamakalawa ng hapon sa nasabing lungsod.

Idineklarang dead-on- arrival sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tina­mong pinsala sa ulo at kata­wan ang biktimang si Fran­cisco Binamora, 28, ng Rodri­guez, Rizal, habang kasaluku­yang agaw-buhay pa rin sa na­sabing pagamutan ang isa pa nitong kasama na si Jaime Villacarlos, 52, kapwa mga trabahador ng ginagawang Marikina Sports Park na mata­tagpuan sa Brgy. Sta. Elena ng nasabing lungsod.

Ayon kay PO1 Nelson Cruz,  naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon kamakalawa habang nagta­trabaho ang mga biktima sa labas ng ika-8 palapag ng gina­gawang gusali at naka­tuntong sa bakal na scaffold­ing. Bigla na lang umanong nakalas ang dugtungan ng scaffolding at dahil walang anumang nakakabit na safety equipment ay nagtuluy-tuloy na bumagsak ang dalawang biktima sa ground floor dahi­lan ng pagkakabali ng mga buto sa katawan at pinsala sa ulo.

Agad na isinugod sa paga­mutan  ang dalawa   subalit idi­neklara ng dead-on-arrival si Binamora, habang hang­gang sa kasalukuyan ay naki­kipaglaban pa rin kay kama­tayan si Villacarlos.

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AYON

BIGLA

BINAMORA

JAIME VILLACARLOS

MARIKINA SPORTS PARK

NELSON CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with