^

Metro

Waitress tumungga ng lason, dedo

-

Naglasing muna bago uminom ng lason ang isang waitress na naging dahilan ng kanyang kamatayan dahil umano sa ma­tinding problema sa pamilya sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Patay na bago pa idating sa Tondo Medical Center   si  Jenalyn Bueno, 19, nakatira sa Pitong Gatang St., Brgy.  Sipac ng nabang­git na  lungsod.

Ayon sa salaysay ni Mae Suarez, 19, kaibigan ng biktima, pag­ka­tapos ng kanilang trabaho, niyaya siya ng biktima na mag-inuman muna dahil may mabigat itong problema sa kanyang pa­milya na hindi naman nabanggit kung ano ito. Dahil pareho nang lasing, niyaya ni Suarez ang biktima sa kanilang bahay na lamang matulog ang dalaga sa may Pitong Gatang sa nabanggit na lugar.

Dakong alas-10 ng umaga, nagtungo ang biktima sa kusina ng bahay ng kaibigan at sinabi na iinom lamang siya ng tubig, subalit makalipas ang ilang minuto ay narinig ni Suarez na nagsu­suka ang biktima pero hindi naman niya pinansin sa akalang dahil lamang sa kalasingan nito.

Hindi nagtagal ay nakita nitong tumumba na ang kaibigan at bumubula ang bibig. Katabi nito ang isang bote na naglalaman ng silver cleaning solution. Mabilis itong isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot pang buhay. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

JENALYN BUENO

LORDETH BONILLA

MAE SUAREZ

PITONG GATANG

PITONG GATANG ST.

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with