^

Metro

Mayor Lim, et al,  pagpapaliwanagin ng CHR

-

Ipatatawag ng Com­mis­sion on Human Rights (CHR) sina Manila Mayor Alfredo Lim, ilan pang opis­yal ng Manila City hall, mga opisyal ng pulis upang ma­bigyan ng patas na imbes­tigasyon ang isyu hinggil sa isinagawang take over sa Vitas slaughter house sa Tondo noong Hulyo 11.

Kaugnay nito, nilinaw ni CHR Chairperson Leila de Lima, hindi nila pakikiala­man ang legal na isyu ng pag-okupa sa Dealco farms, Inc. sa Vitas slaughter­house sa Tondo, kundi ang aspeto lamang ng karapa­tang pantao dahil ang dig­nidad ang kailangang proteksyunan ng komisyon at hindi ang kung anupa­man. Salig anya ito sa mandatong ibinigay ng konstitusyon sa komisyon kung saan marapat na bigyan ng proteksyon ang karapatang pantao ang kahit sinumang indibidwal.

Sa iprinisintang mga ebi­densiya ng Dealco farms Inc sa komisyon par­tikular ang mga larawan ng mga opisyal at kawani ng kompanya na binitbit na parang mga hayop ng ilang mga pulis-Maynila at mga opisyal ng Manila City hall, sinabi ni de Lima na hindi nagsisinungaling ang mga imahe sa larawan.

Kung mayroon man aniyang kaso laban sa Dealco Farms na isinampa ang lunsod ng Maynila o vice versa, hindi ito pang­hihimasukan ng CHR. (Angie dela Cruz)

CHAIRPERSON LEILA

DEALCO

DEALCO FARMS

HUMAN RIGHTS

MANILA CITY

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with