^

Metro

Vendor kritikal sa piping kostumer

-

Agaw-buhay ang isang barbecue vendor matapos itong ataduhin ng saksak ng kanyang piping kustomer nang hindi maintindihan ng una ang sinasabi ng huli, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Inoobserbahan sa intensive care unit (ICU) ng Pasay City General Hospital sanhi ng mga tinamong mga  saksak sa dibdib ang biktimang si Menandro Malte, 28, residente ng Alfonso St. ng nabanggit na lungsod. Nakapiit naman ngayon matapos madakip ng pulisya ang suspect na si Lorenzo Apostol Jr., 38, residente rin ng nabanggit na lugar.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Pasay City Police, pasado alas-7 ng gabi  ng mangyari ang nasabing insidente. Nabatid na bago ito  ay nais   umanong bumili ng suspect ng tindang barbecue ng biktima nang biglang magtalo ang mga ito matapos umanong mapikon ang pipi dahil hindi maintindihan ng huli ang kanyang sina­sabi.

Dahil dito ay bigla na lamang umanong nagsun­tukan ang dalawa hanggang sa magbunot na ng patalim ang suspect  at agad na inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima dahilan upang malagay ngayon sa peligro ang buhay nito. Lumalabas naman sa pagsisiyasat ng pulisya na una umanong tinatanong ng pipi kung mag­kano ang presyo ng binibiling barbecue at nang hindi siya ma­intindihan ay biglang itinaob nito ang gamit sa pagba-barbecue ng biktima na naging dahilan ng ka­nilang pag-aaway na nauwi sa saksakan. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALFONSO ST.

LORENZO APOSTOL JR.

MENANDRO MALTE

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with